8 hour shift sa duty ng mga pulis, ikakasa

PARA mapigilan na masobrahan sa trabaho o overworked, iniutos kaninang umaga ng Metro Manila Police chief ang istriktong pag-oobserba sa eight-hour shifts para kanilang police personnel.

Sinabi ni Metro Manila police head Chief Superintendent Leonardo Espina na sa pamamaraang ito ay madidismaya na ang ibang police personnel sa ibang shifts na maging tamad kapag naka-duty.

Ayaw ni Espina na ang Metro Manila police na magtrabaho ng lampas sa 8 oras bawat araw dahil baka maging banta ito sa kanilang kalusugan.

Idinagdag din nito na ang overworked ay maaring makaabuso sa kanilang pangangatawan at magdulot pa ng sakit o malalang karamdaman.

Pero pinapayagan naman niya ang extended duty hours o overtime work kung mayroong major activity o malaking okasyon sa kani-kanilang area of responsibility.

Inaasahan naman na magdodoble kayod ang kapulisan sa kanilang trabaho sa darating na mga buwan sanhi ng Christmas shopping season.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply