8 patay sa banggaan ng bus, tanker at motorsiklo

WALO katao ang nasawi sa banggaan ng bus, tanker at motor sa Nueva Ecija, kaninang madaling-araw.

Ayon kay Col. Michael Angelo Zuniga, officer in charge ng Munoz Police Station sa Nueva Ecija, kabilang sa mga namatay ang driver ng tatlong sasakyan.

Alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Kurba sa Science City ng Munoz.

Nabatid na papunta ang Victory Liner Bus sa Maynila at iniwasan ang motor kaya naghead on collision sa kasalubong oil tanker.

Bagama’t iniwasan ay nahagip pa rin ng dalawang sasakyan ang motorsiklo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply