8 stude kinaladkad palabas ng session hall

KINALADKAD ng mga in-house security ng Kamara de Representantes palabas ng gusali ang walong estudyante nang magsisigaw ang mga ito sa plenaryo sa gitna ng deliberasyon ng budget ng State Universities and Colleges (SUCs).

Kasalukuyang tinatalakay sa plenaryo ang may P37.1 bilyon na pondo para sa SUCs ng bigla na lamang tumayo ang may walong estudyante sa pangunguna ng isang Isabel Baguisi, Secretary General ng National Union Student of the Philippines (NUSP) at estudyante ng University of the Philippines (UP) Diliman.

Tahasang sinabi ni Baguisi na naiinsulto sila dahil sa nagpapasalamat ang mga mambabatas kay Pangulong Benigno Aquino III gayong taon-taon ay binabawasan sila ng budget.

Giit pa nito na hindi limos ang kanilang hinihingi sa pamahalaan dahil hindi naman sapat ang nasabing pondo para sa SUCs.

Kung tutuusin ay kulang pa umano ang nasabing budget para sa mga libro at mga pasilidad sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Nais ng grupo ng mga estudyante na itaas hanggang P54 bilyon ang budget upang matugunan ang pangangailangan ng mga SUC.

Ang walong estudyante ay agad dinala sa Station 6 ng Central Police District (CPD).

Agad namang sumaklolo sina Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino at Bayan Muna Rep. Teddy Casiño upang tiyakin na hindi masasaktan ang nasabing mga mag-aaral.

Kasabay nito, sinabi ni Palatino na maging siya ay naliliitan sa P37.7 bilyon na inaprubahan ng Budget Department para sa mga SUCpara sa 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply