8 tulak ng shabu, marijuana timbog ng PDEA

WALONG kilabot na tulak umano ng iligal na droga ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operations sa magkahiwalay na lugar sa Cebu, Zamboanga, Tacloban,  Bulacan at Caloocan City .

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Roxanne Patalinghug, 31 anyos, ng  Purok 8, Barangay Kamputhaw, Cebu City; Marcos Pacencia, alias Nonoy, 29, ng  Barangay 85, San Jose, Tacloban City; Nelson Melvin Loor, alias Tonio, 40, ng Upper Calarian, Zamboanga City; at Thelma Sabela, 52, residente sa Purok Riverside, Barangay Tinago, Ozamis City, Misamis Occidental.

Ang mga suspek ang pwang nahulihan ng shabu habang iniaalok sa  isang poseur buyer sa mga nasabing mga lugar.

Sina Patalinghug at Sabela ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) habang si  Loor naman ay nahaharap sa kasong paglabag sa  Section 5 habang si Pacencia ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5, Section 11, at Section 12 (Posession of Paraphernalia).

Samantala, apat pang tulak ang nahulihan ng mga bricks ng marijuana sa isinagawang entrapment operation ng PDEA RO3 sa buy bust operations sa Bulacan at Caloocan City.

Kinilala ni PDEA Director Gener Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling sina  Pagasa Diwa Zeta, 55 anyos  fish vendor, ng  No. 182 Progreso Street, Bagong Barrio, Caloocan City; Noel Diwa, 42,  beautician, sa  No. 272 North Diversion Road,  Bagong Barrio; Alipio Punzal, alias Uging, 43, ng 1488 Sulucan Street, Barangay Poblacion, Norzagaray, Bulacan; at Jimwell Santiago, 20, ng Padling, sa nasabi ring lugar.

Sina Zeta at Diwa ay nadakip sa may  Barangay 154, Zone 13, District 1, Progreso Street, Caloocan City, matapos bentahan ng isang brick ng marijuana ang isang agent ng  PDEA RO3.

Habang sina Punzal atSantiago,mga tricycle drivers ay nahuli rin sa buy bust sa Barangay Poblacion kung saan nakuhanan sila ng isang plastic bag ng pinatuyong dahon ng marijuana at 11 plastic sachets ng marijuana.

Kinasuhan ang mga arestado ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy), Article II of Republic Act 9165.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply