83-anyos na lola dedo sa bugbog ng anak

BINUGBOG hanggang sa mapatay ang isang 83-anyos na lola ng kanyang sariling anak kaninang umaga sa Parola Compound sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni Manila Police District Station 2 Commander Ernesto Tendero Jr., ang biktima na si Crisanta Sarte, habang ang suspek naman ay si Fidel Sarte na hinihinalang may problema sa pag-iisip.

Naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga kung saan binugbog umano ng suspek ang matanda hanggang sa mapatay.

Ayon kay Tendero ipaghaharap pa rin aniya ng kasong parricide ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa MPD Station 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply