85 patay sa 2 sunog sa Pakistan

PATAY ang 85 katao sa dalawang magkahiwalay na sunog sa Pakistan.

Ayon sa opisyal sa isang Pakistani hospital, sa nasunog na garment factory sa lungsod ng Karachi, umaabot na sa 60 katao ang natusta ng buhay.

Karamihan sa mga namatay ay hindi na makilala dahil sa matinding tinamong third degree burn sa mukha at sa buong katawan .

Sa lungsod naman ng Lahore, nasunog ang isang pagawaan ng sapatos at sa ngayon ay 25 na ang kumpirmadong patay.

Samantala, sa India, mahigit 28 katao ang namatay makaraang mahulog sa bangin ang isang sinasabing overloaded na pampasaherong bus.

Nabatid na 45 ang sakay ng bus nang maaksidente sa Himachal Pradesh.

Base sa pasaherong nakaligtas, nawalan umano ng kontrol ang driver na siyang ikinahulog ng naturang bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply