9 katao todas sa leptospirosis sa Rizal province

SIYAM katao ang namatay sanhi ng leptospirosis sa Rizal province sa kasagsagan ng pagbaha dulot ng malakas na pagulan sa maraming parte ng Luzon nitong nakaraang Agosto.

Ang ulat ng Provincial health authorities ay inihayag sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang umaga.

Ayon sa ulat, anim sa mga namatay ay mula sa Rodriguez town habang ang tatlo naman ay mula sa San Mateo, Cardona at Jalajala towns.

Nitong nakaraang buwan lamang, nagdulot ng malawakang pagbaha ang hanging Habagat o monsoon rain sa Metro Manila at sa kalapit na mga probinsya.

Ang leptospirosis ay isang fatal bacterial disease na tumatama sa tao at hayup.

Ang bakteryang genus Leptospira ang nagiging sanhi ng sakit na kumakalat mula sa ihi ng infected animals.
Makukuha ito sa pamamagitan ng pagkontak sa ihi ng infected animals o sa pamamagitan ng tubig, sa lupa o kontaminadong pagkain na may ihi ng infected animals tulad ng daga.

Nagbabala ang Philippine health authorities sa nasabing sakit sa mga lugar na nakararanas ng matinding pagbaha sa unang bahagi ng buwang kasalukuyan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply