9 MPD Station 4 cops, ikinokunsiderang AWOL

IKINOKUNSIDERA na ng pamunuan ng Manila Police District na AWOL (absent without official leave) ang siyam na pulis-Maynila Station 4 dahil bigo ang mga ito na humarap para ipaliwanag ang kanilang panig hinggil sa reklamong isinampa laban sa kanila ng isang Filipino-Canadian citizen.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, simula noong Lunes ay hindi na nagpakita pa ang 9 na pulis na nakatalaga sa Station 4, sa kabila ng kanyang kautusan na ipatawag ang mga ito.

Ayon pa kay Lim, nangangahulugan lamang na totoo ang alegasyon sa kanila ng biktimang si Belinda Placido, ng Zambales dahil sila ngayon ay nagtatago at hindi nagbibigay ng kanilang panig.

Dahil dito, patuloy ang isinasagawang manhunt operation sa 9 na pulis at summary dismissal sa mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply