92-anyos na lola ninakawan na kinatay pa

PATAY ang isang 92-anyos na lola nang pagsasaksakin matapos pagnakawan ang kanyang bahay ng hindi pa nakilalang salarin sa Anahaw Street, Barangay Comembo, Makati City kagabi, Setyembre 3.

Kinilala ang biktima na si Victorina delas Alas-Gonzales, US Pensioner dahil sa tinamong 20 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Samantala, base sa inisyal na imbestigasyon, nawawala ang mga alahas at ang $400 na kawi-withdraw pa lamang ng biktima.

Ayon naman sa pahayag ng kapatid ni Victorina na kinilalang si Purificacion sa isang ulat sa radyo, posibleng babae ang gumawa ng krimen dahil mabababaw ang mga tinamong saksak ng biktima.

Nabatid pa na natagpuan ang bangkay ni Victoria ng kanyang kapatid bandang alas-9:00 ng gabi at hinihinalang alas-8:00 ng gabi siya pinaslang.

Kaagad na isinugod si Victoria sa St. Luke’s Medical Center ngunit bigo ang mga doctor na dugtungan pa ang kanyang buhay.

Hinihinala naman ng awtoridad na kakilala mismo ng biktima ang responsable sa krimen dahil walang bakas na puwersahang pinasok ang bahay at ni hindi rin umano kumahol ang asong alaga mismo ng biktima.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply