9th win target ng FEU at UST

NAIS ng last year’s runnerup Far Eastern University at University of Sto. Tomas na idikit ang kanilang karta sa defending champion Ateneo sa malapit ng magtapos na 75th UAAP men’s basketball tournament elimination round.

Isang laro lang ang agwat na hinahabol ng Tamaraws at Growling Tigers sa Blue Eagles.

Parehong may 8-3 win-loss card ang FEU at UST habang ang Ateneo ay may 9-2 baraha.

Makakaharap ng Tigers ang nangungulelat na UP Fighting Maroons sa bukas ng alas kuwatro ng hapon habang kakalabanin ng FEU ang pangalawa sa ilalim ng team standings na UE Red Warriors sa unang sultada.

Kahit tanggal na ang Red Warriors ay paniguradong mahihirapan ang Tams dahil tinalo ng una ang Blue Eagles 79-77 kahapon sa MOA arena.

Sinalpak ni Chris Javier ang game-winning basket mula sa drop-pass ni Roi Sumang upang saltohin ang pagsisiguro ng puwesto sa Final Four ng Ateneo.

Dahil sa pagkatalo ng Blue Eagles ay lumaki pa ang tsan ng host National U Bulldogs na makasagpang ng slot sa semifinals.

Nasa pang-limang puwesto ang Bulldogs na may 6-5 panalo-talo karta habang solo sa fourth spot ang De La Salle Green Archers tangan ang 7-4 karta.

Nakuha ng Green Archers ang kanilang ikapitong panalo na panain nila ang Fighting Maroons, 76-69 kamakalawa ng hapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply