Abad sa kasamahan: Magmove-on na

NANAWAGAN si Supreme Court Associate Justice Roberto Abad sa mga empleyado at kapwa nito mahistrado na magmove-on na at tulungan na lamang ang bagong talagang Punong Mahistrado na makamit at maipatupad ang reporma sa kanilang sangay.

Ginawa ni Abad ang kanyang pahayag sa isinagawang flag raising ceremony kung saan hindi pa rin dumalo  ang apat na senior associate justices kaninang umaga.

Sa kabila nito, pinuri naman ni Abad sa pamamahala ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno at sinabing dapat nang mag-move on ang Korte Suprema mula sa nakaraang impeachment trial kay dating Chief Justice Renato Corona.

Naniniwala rin si Abad na sa ngayon ay maayos naman ang pagpapatakbo ni Sereno sa Korte Suprema.

Ang pagkakatalaga  ni Sereno ay naging kontrobersyal dahil taliwas umano ito sa tradisyon na “seniority” ang pamantayan sa susunod na maging Punong Mahistradto ng Kataas-taasang hukuman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply