Abaya dumalo sa board meeting ng NEDA

BAGAMA’T hindi pa nakukumpirma ng Commission on Appointments (CA) bilang bagong kahilim ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ay nilasap agad ni Sec. Jun Abaya ang kanyang posisyon sa pagdalo sa board meeting ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte nais lamang ni Sec. Abaya na damahin ang kanyang magiging trabaho sa oras na siya’y maupo na bilang DOTC secretary.

“As you all know, the President is now chairing the 7th NEDA Board Meeting. It started at 10 a.m. this morning. From what understand, complete attendance po tayo from all the agencies. We have been advised that there are 11 projects on the agenda. There are three that have already been previously discussed and will be thoroughly discussed today,” anito.

Sinabi pa ni Valte na agenda sa naturang pulong ang Light Rail Transit o ang LRT Line 2 East extension project sa ilalim ng DOTC at ang Bicol International Airport project at ang bagong Bohol Airport Development project— na kapwa nasa ilalim ng nasabing ahensya.

Samantala, no comment ang Malakanyang sa pahayag ni San Juan Congressman JV Ejercito na pagsabihan nila si Secretary Mar Roxas na magbitiw muna bilang pangulo ng Liberal Party bago umupo bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang manatili umano ang integridad ng departamento at hindi magamit ang DILG para maitulak ang mga kandidato ng LP para sa 2013 elections.

“OK, that is a question that is better addressed to Secretary Roxas,” ayon kay Usec. Valte.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang party president ay umupo bilang kalihim ng DILG.

Sa katunayan, ayon kay Usec. Valte ay naupo rin bilang DILG Sec. si Manila Mayor Alfredo Lim mula taong 1999 hanggang 2000 sa ilalim ng Estrada administration habang si dating DILG Secretary Ronaldo Puno ay itinalaga naman sa naturang posisyon mula sa taong 1998 hanggang 1999 sa ilalim ng Arroyo government. Si Puno ay Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP) president.

“Congressman Ejercito. Better probably to broach the idea or the subject to Secretary Roxas himself. And may I also point out that this is not the first time that a party president will be sitting as DILG. If I remember correctly, si Mayor Alfredo Lim also when he was DILG was a party president and, one more, I think it was the former Secretary (Ronaldo) Puno who was also the party president,” ang litaniya ni Usec. Valte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply