Abrazado, binisita ang puntod ni Robredo

HALOS isang buwan matapos ang malagim na pagbagsak ng eroplano na sinasakyan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, sinilip ng kanyang aide ang puntod nito sa Naga City kaninang umaga.

Kasama ang kanyang buong pamilya, pumunta si Senior Inspector June Paolo Abrazado ang puntod ni Robredo at taimtin na nagdasal para sa kanyang boss.

Si Robredo at 2 piloto ng Piper plane na patungo sa Naga City mula sa Cebu ay pawang namatay nang bumagsak ang kanilang eroplano sa karagatan ng Masbate noong nakaraang Agosto 18. Si Abrazado lamang ang nakaligtas sa nasabing insidente.

Ang pagdalaw ni Abrazado sa puntod ng kanyang amo ay kanyang kauna-unahang paglitaw sa publiko pero umalis din agad ito matapos ang pagbisita.

Tumanggi rin itong magbigay ng pahayag hinggil sa malagim na pagbagsak ng eroplano. Nakasuot si Abrazado ng itim na t-shirt na may larawan ni Robredo.

Sinabi rin ni Abrazado na ilan sa kanyang tinamong kapansanan ay naghilom na lalo ang kanyang kanang braso.

Ayon pa rin sa ulat, sumama ito sa fluvial parade bilang respeto sa Our Lady of Peñafrancia.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply