Abrazado nakakarekober na, trahedya sariwa pa

KAHIT nakarekober na sa malagim na trahedya ang nag-iisang nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano na ikinamatay ni Interior and Local Secretary Jesse Robredo at dalawang piloto, hindi pa rin maiwaglit o sariwa pa rin sa alaala ni Police Senior Inspector June Abrazado ang insidente.

“Nalulungkot siya doon sa nangyari, parang, why is he alive and his boss is not,” pahayag ni Capt. Amado Soliman, na siyang namumuno sa CAAP investigating panel.

Sinabi naman ni Abrazado, aide-de-camp ni Robredo, na nakapahirap para sa kanya na pag-usapan ang tungkol sa pagbagsak ng eroplano pero alam niyang responsibilidad niya ito bilang survivor.

“Everytime na nagkukuwento po ako sa bagay na ‘yun, talagang sumisikip po ang dibdib ko pero ‘di ko naman po puwedeng takasan ang responsibility ko bilang isang survivor, na kailangan kong magkuwento sa nangyari,” pahayag ni Abrazado matapos tumestigo  sa CAAP probe kaninang umaga.

“Normal na po ako ‘pag kausap ko ang mga kaibigan ko, mga family ko. Mahirap lang po mag-isa, kasi ‘pag mag-isa ako, medyo lumilipad ang isip ko,” pahayag pa ni Abrazado.

Sinabi ng CAAP na ang salaysay ni Abrazado sa aksidente ay nananatiling ganun pa rin tulad sa kanyang inisyal na salaysay nang ma-ospital ito matapos ang pagbagsak ng eroplano noong Agosto 18.

Iginiit pa rin nito na si Captain Jessup Bahinting ang nagpapalipad ng eroplano at hindi ang kanyang Nepalese co-pilot na si Kshitiz Chand.

Kasama rin na inimbestigahan ang dalawang miyembro ng maintenance crew of Aviatour Air, ang may-ari ng ill-fated Piper Seneca, pero hindi pumayag na magpa-ineterview sa media.

Gumamit din ang mga imbestigador ng isang miniature plane para mas maging maayos ang pagsasalarawan ng naturang aksidente, ayon pa sa ulat.

Magpapatuloy ang closed door investigation hanggang isang buwan bago ilabas ang resulta.

Nito lamang nakaraang buwan, lumabas na si Abrazado sa Philippine National Police Hospital sa Camp Crame, nang  makaranas ng depresyon sanhi ng malagim na aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply