Absentee voting bill pinamamadali

KINALAMPAG ni Akbayan Partylist Rep. Walden Bello ang liderato ng Kamara na madaliin upang maipasa ang overseas voting bill bago sumapit ang 2013 midterm elections.

Ito ay matapos maipasa ang nabanggit na panukalang batas sa ikalawang pagbasa na ayon kay Bello ay matagal ng nakabinbin.

Nakapaloob sa panukala ang pagtanggal sa terminong “absentee” sa mga botanteng Pilipino na nagtatatrabaho sa ibang bansa.

Binibigyan din ang mga OFW ng karapatan na makaboto at makapaghalal ng nais nilang kandidato lalo pa at may intensyon na bumalik ng bansa ang mga ito.

Aniya, ang karapatan sa pagboto ay nararapat naman sa lahat ng Pilipino kahit saan mang panig ng mundo naroon.

Sinabi pa ni Bello na ito ay pagpuno sa pagtupad ng demokrasya ng bansa at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga migranteng Pinoy kahit na wala sila dito sa Pilipinas.

Positibo ang mambabatas na ang mga pag-amyenda sa panukala ay mabilis na maipapasa sa ikatlong pagbasa at maging sa Senado.

Nais ni Bello na mapabilang ang mga OFW sa mga rehistradong botante na maaaring makaboto sa mga embahada at konsulado sa ibang bansa sa 2013 midterm elections, na aabutan ng eleksyon sa ibang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply