Abueva halimaw laban sa Blazers

LALONG pinatibay ng last year’s runnerup San Sebastian College Stags ang asam na makapasok sa Final Four matapos tambakan ang College of Saint Benilde Blazers, 92-72 sa 88th season ng NCAA men’s basketball tournament sa San Juan Arena kahapon.

Nakabalik na sa paglalaro si reigning MVP Calvin “The Beast” Abueva at dahil sabik sa laro ay tumikada ito ng kanyang pangatlong triple-double sa season matapos ilista ang 17 points at tig 13 rebounds at assists habang ang kakamping si Stag center Ian Sangalang ay bumakas ng double-double mula sa 20 markers at 12 boards.

Kalahating laro na lamang ang hinahabol ng Stags sa nangunguna sa team standings na San Beda College Red Lions.

Hawak ng SSC ang 10-3 win-loss slate habang ang defending champion SBC ay may 10-2 karta.

Bumira rin si Ronald Pascual ng 20 pts. para sa Stags.

Magkasalo naman sa third to fourth spot ang Jose Rizal U Heavy Bombers at Perpetual Help Altas na may tig-8-4 baraha matapos talunin ng huli ang una, 72-88.

Pumoste si Jet Vidal ng career-high 32 markers, six boards at three steals para sa Perpetual.

Samantala, tanging ang host Letran Knights at Mapua Cardinals ang may pag-asa na makasampa sa semifinals.

May kartang 6-6 ang Knights habang 5-7 at tangan ng Cardinals kung saan ay may tig-anim na laro pa sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply