Aburidong mister, nagpatiwakal

WALANG kuryente, binabaha sa kaunting pag-ulan ang maliit na barong-barong , kaya sa pagkaaburido ay winakasan ng isang 28 anyos na mister ang kanyang buhay kahapon ng madaling araw sa San Andres Bukid, Manila.

Bukod sa kakapusan ng pananalapi, problema sa loob ng bahay ang nag-udyok para magpakamatay ang biktimang si Anthony Cardines, may ka-live in at anak, ng 2473 Nickel St., San Andres Bukid.

Natagpuan ang biktima na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay.

Batay sa ulat ni Det. Henry Navarro ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 5:30 ng madaling araw ng tumambad sa kinakasama ang nakabiting biktima sa maliit na barong-barong sa nasabing lugar.

Nabatid sa initial na ulat ng MPD-Sta.Ana Police Station 6, pagkaaburido ang sinasabing nag-udyok para magpakamatay ang biktima, dahil tanging pamumulot lamang ng basura ang pinagkakakitaan nito.

Habang nasa kasagsagan ang malakas na ulan kahapon ng madaling araw, pinalipat nito ang kanyang anak at kinakasama sa kapitbahay dahil inaabot ng tubig baha ang kanyang maliit na barong barong.

Bukod umano sa binabahang kuwarto, wala din umano itong kuryente, kaya hinalang naaburido sa buhay ang biktima at nagpasiya na itong magpakamatay gamit ang nylon cord.

Gayunman, patuloy ang isasagawang imbestigasyon upang mabatid na walang foul play sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply