Academic freedom, hindi absolute – arsobispo

HINDI “absolute” ang “academic freedom” kung ang nakataya ay ang “pananampalataya” at “moral.”

Ito ang iginiit ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bilang reaksyon sa pahayag ni Senator Miriam Defensor-Santiago na ang posisyon ng ilang professor ng Jesuit-run Ateneo De Manila University na pumapabor sa pagpapasa ng Reproductive Health (RH) bill ay isyu ng academic freedom na isang ‘Constitutional right.’

Si Santiago, ang author ng RH bill sa Senado.

Gayunman, sinabi ni Cruz na ang naturang kalayaan ay nagiging limitado kung ang ilang pananaw ay taliwas na sa prinsipyo ng Catholic faith at moral.

“Let it be also said that academic freedom is applicable to philosophy and ethics – among other scholastic matters – not to faith and morals,” giit pa ni Cruz.

Ipinaliwanag rin ng arsobispo na bawat educational institution ay may identity at misyon na dapat nitong ipatupad partikular na ang mga Catholic school.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply