Accreditation ng ilang meat importers sinuspinde ng BOC

SINUSPINDE ng Bureau of Customs (BOC) ang accreditation ng ilang meat importer.

Ito ay matapos na hindi sumunod sa ilang panuntunan ng kawanihan ang nasabing mga importer.

Ang kautusan ay mayapos na mapatunayang hindi sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng kawanihan para sa cold storage at warehouse facilities.

Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, kabilang sa inalisan ng accreditation ang Batoy Trading dahil hindi sumunod sa cold storage at warehouse facilities ng BOC.

Bukod sa Batoy Trading, ay 10 iba pang meat importer ang pinaiimbestigahan ngayon upang malaman kung nagbabayad ang mga ito ng tamang buwis sa gobyerno.

Kabilang dito ang Preo Foods Corp., Kitchen Solutions Corp., DPO Philippines Inc., Fairfield Import Export and Trading Inc., MTDM Trading; MPP Meat Import Corp; Sacrecoure Commercial; First Maestro Food Service Company at All Meat Foods International Trading.

Noong 2011, ay nabunyag sa record ng United Nations na mahigit sa P16 billion halaga ng mga pork meat ang naipuslit sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply