Adik na tserman, kinasuhan na

PORMAL nang sinampahan ng kasong kriminal at administratibo sa tanggapan ng Ombudsman ang isang Barangay Chairman sa lungsod ng Maynila na nakunan ng video footage habang umiiskor ng shabu sa loob mismo ng barangay hall sa Tondo, Maynila.

Kinasuhan si Chairman Augusto ‘Jojo’ Salangsang, ng Brgy 261, Zone 24, District II ng paglabag sa Sections 12, 13, 14 at 15 ng RA 9165, gross misconduct, dereliction of official duty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Napagtibay ang pagsasampa ng kaso laban kay Salangsang nang gamiting basehan ng Manila Anti Drug Abuse Council (Manila ADAC) ang expose ng programang XXX ng ABC-CBN kung saan nakuhaan ng video si Salangsang na humihithit ng shabu, kasama ang lady striker nito na si Jocelyn Geslaya sa loob mismo ng barangay hall.

Ilang mga testigo rin ang nagpatunay sa iligal na gawain ng tserman .

Dahil sa pagkakalantad ng nasabing video, sinabi ng Manila ADAC na hindi umano ‘morally fit’ si Salangsang na pamunuan pa ang Brgy 261, dahil labag sa umiiral na batas at polisiya ang paggamit ng iligal na droga.

Hiniling ng Manila ADAC sa Ombudsman na suspendihin si Salangsang habang iniimbestigahan ito upang maprotektahan ang mga testigo at ebidensya, at maging ang mga constituents ng Brgy 261.

Matatandaan na una nang inireklamo ang tserman sa Manila Barangay Bureau hinggil sa umanoy pagiging drug addict nito ngunit nag-negatibo ng sumalang sa drug test.

Gayunman, makalipas lamang ang ilang buwan ay nakunan ito ng video sa loob mismo ng barangay hall kung saan umiiskor ng shabu kasama ng lady striker dahilan para siya ay tuluyang sampahan ng kaukulang mga kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply