Adik sa Las Piñas, inuman sa iskul at pulitika sa Aklan

HAYAAN naman po nating ipahayag ng ating mga mambabasa ang kanilang nalalaman, hinaing, mungkahi at iba pa.

Heto po sila

AKLAN HAHATIIN

Alam n’yo ba, Mr. Benny na tatakbo rito si Cong. Haresco sa Aklan. Sila pa ang nagplanong gawing 2 distrito ang Aklan para may maging posisyon sila. Ito po ang masakit. Si Mabeth Homobo, manager ng BDO Kalibo ay kinasuhan ni Haresco, kaso na kathang-isip lamang. Bakit nag-aampon  ang Liberal Party rito sa Aklan ng korap? Tatakbo si Haresco sa ilalim ng tuwid na daan. Dapat kukuha sila ng hindi hunyango. Hindi naman marunong mag-Aklanon, tatakbo pa rito sa amin.  0999653….

LTO BATAAN MATAKAW

Grabe po ang katakawan ng mga LTO dito sa Dinalupihan, Bataan. Lahat na lang ng trak hinuhuli. ‘Di man lang naisip na naghahanapbuhay nang maayos ang mga driver. Kakaramput lang ang sahod tapos hinuhuli pa nila. Basta trak, sigurado  huli. Sobrang ganid sila, mga walang awa. 0928789….

TURUAN SA KALAMIDAD

Good pm, Sir Benny. Ang napupuna ko nga po sa mga opisyal ng gobyerno pag kalamidad na ang problema nagtuturuan na. Pagdating naman ng halalan, halos ‘di na magkandaugaga sa gagawin para mapaamo ang mga tao. Mga sir, konting pang-unawa naman po sa mga nasalanta ng bagyo, konting tulong naman, ‘yung taospusong pagtulong sa mga kababayan natin. 0920493….

ANG BATAS MILITAR

Timing at napapanahon na sa panahon na ‘yon para ideklara ni Marcos ang Batas Militar o Martial Law. Sa panahon na ‘yun, lumala na ang kaguluhan sa bansa na kagagawan ng mga kontra-gobyerno na sinasabayan naman ng mga taong may personal na pagkontra kay Macoy. Nahihilo ang taumbayan at kumakampi sila sa kaguluhan na posibleng lumikha ng civil war na sasamantalahin naman ng mga komunista at malamang na sila ang mamuno at dito maging komunista ang Pilipinas.

At yan ang hindi gusto ni Macoy na mangyari. Sa kalaunan ay naabuso ang  sitwasyon.

Nawalan tuloy ng maximum tolerance ang mga sundalo. Sa sobrang kalupitan ng mga taong kontra gobyerno at kontra personal kay Macoy, ginawa ni Macoy ang ideklarasyon ng Martial Law para lamang makontrol ang kaguluhan. Tama ang ginawa ni Macoy, pero ang problema kay Macoy ay ayaw niyang lisanin ang Malakanyang. Gusto pa niya na siya ang Prime Minister at dito nagkamali si Macoy.  0920823….

KINA ENRILE AT TRILLANES

Sir Benny, ipabasa ninyo ito sa dalawang senador. Tama na ‘yang bangayan ninyo, harapin kung paano makakain ‘yung mga naghihirap dahil sa mga nagawang batas ninyo puro taxes. Dapat buwagin na ‘yan, lalong naghihirap ang masa dahil sa mga batas na palpak tulad ng emission test. Lalong maraming namamatay sa sakit sa baga. Pera-pera lang, walang kuwenta. Sa halip na ibayad sa emission test, gamot na lang ang bilhin dahil mamamatay ka. Naiisip ba nila itong polusyon? Naka-aircon sila. Buksan ninyo ang utak ninyo. 0919964….

ENRILE VS TRILLANES

Sa aking pananaw sa bangayan nina Sen. Enrile at Sen. Trillanes ay ginagawa nila ang alam nilang dapat. Si Sen. Trillanes ang may pagkakamali. Una, ‘di siya nagpaalam sa Senate body, partikular kay Sen. Pres. Enrile. Ika nga’y nagsasarili na ‘di alam ni Sen. Trillanes na kapakanan ng bayan, imahen ng Pilipinas ang nakataya. Pagkatapos, sa hawak na dokumento ni Sen. Enrile ay may ‘di magandang sinabi si Sen. Trillanes gaya ng wala raw interest ang Pilipinas sa ‘Scarborough.”

Ang ginawa nina Sen. Trillanes at PNOY ay pang-iiinsulto sa DFA at sa mga mambabatas sa Pilipinas. Ngayon sinasabi pa ng Malakanyang na si Trillanes pa ang negotiator sa nasabing usapin, eh, bakit si DILG secretary Roxas ang pinadala ni PNOY sa China? Bakit hindi si Sen. Trillanes? Ito naman ang isang movement’ ng Pangulo na walang kabuluhan, parang Teleserye na Walang Realidad at ”Kaplastikan’.’ GRACE LABRADOR 0920823….

INUMAN SA SCHOOL

Good day, Sir Benny. Isa po akong magulang na may anak na nag-aaral ngayon sa KING SOLOMON CHRISTIAN SCHOOL INC. na nakabase rito sa kanto ng R.O.T.C Hunters at Araneta Ave., Brgy. Tatalon, Q.C. Sa tapat po ng eskuwelahan ay may mga tindahan kung saan kami ay bumibili ng baon ng aming mga anak.

Sa tabi po ng isa sa mga tindahan ay may dalawang lamesa na araw-araw ay puno ng mga nag-iinuman at nagsusugal ng baraha. Isa sa mga araw-araw na nandoon ay ang halal na kagawad ng aming barangay na nagngangalang Victor Del Rosario.

Nagtataka po kami dahil ‘di po ito inaaksyunan ng barangay at kapulisan kahit na nasa tabing kalsada lamang ito. ‘Di po ba ito kayang disiplinahin ng aming chairman na si Benedick Bañega at ang hepe ng Galas Police Station.11 na si Col. Babagay? Salamat po. Pls. don’t publish my number. 0921580….

ADIK NA BARKER SA LAS PIÑAS

Good morning, sir. Isa po akong jeepney driver. Tulungan naman po sana kami rito sa may Moonwalk, Las Piñas. Sobrang walanghiya na ang mga tagatawag ng jeep dito. Kung humingi P50 pesos at kung nagbigay ka ng kulang sigurado may sira ang jeep mo. Puro adik ang mga ito at kahit may traffic enforcer pa o kaya ay pulis, ganito sila. Pakiusap lang po, tulungan n’yo po kami rito. Salamat po. God bless. 0918610….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply