Aga fans umaasang malulutas ang petisyon bago ang CoC filing

NAGA CITY – Malaki ang paniwala ng mga fans at  supporters ng aktor na si Aga Muhlach na magkaroon na ng kasagutan ang petisyong isinampa laban sa kanya bago pa man ang pagsasampa ng certificate of candidacy (CoC) sa susunod na linggo.

Ito ay kaugnay ng itinakdang pagdinig sa darating na araw ng Biyernes (Setyembre 28) ng Election Registration Board sa bayan ng San Jose.

Ito ang kinumpirma ng isa sa mga abogado ng actor na  kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.

Ayon sa fans at supporters, pupunta sila sa pagdinig kahit lamang sa labas ng  Comelec sa Camarines Sur para ipakita ang kanilang tiwala sa kanilang idolong si Muhlach.

Una rito, sinabi ng Commission on Elections na kanilang tatanggapin ang certificate of candidacy ng aktor sa kabila ng petisyon na kinakaharap nito bilang legal na botante sa nasabing bayan sa Camarines Sur.

Ayon kay Atty. Noriel Badiola, walang magiging problema sakaling magsumite si Muhlach ng CoC dahil wala pa naman silang natatanggap na desisyon mula sa Comelec central office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply