Aga Muhlach tuloy na ang pagkandidato sa 2013 polls

TULOY ang pagtakbo ng actor na si Aga Muhlach bilang congressman ng ika-4 na distrito ng Camarines Sur..

Ito ay matapos na ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon laban sa kanila ng misis niyang si Charlene Gonzales ni dating Mayor Gil Pacamarra na kumuwestyon sa legalidad ng pagiging botante nito sa bayan ng San Jose, Camarines Sur.

Sa pagtatapos ng pagdinig, kinatigan ng komisyon ang kampo ng actor matapos mapatunayan na walang basehan ang pagkwestyon ni Pacamarra sa pagiging lehitimong botante nito sa kanilang bayan.

Nagpasalamat naman ang actor sa Comelec dahil hindi nagpadala sa pamumulitika ng kabilang panig.

Si Muhlach ay kakandidato sa ilalim ng Partido Liberal (LP) at makakalaban nito ang dating congressman na si Whimpy Fuentebella na anak ng dating speaker at last termer ngayon na si 4th District Rep. Arnulfo “Noli” Fuentebella.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply