Agawan sa F4

NADISGRASYA ng tanggal ng Mapua Cardinals ang Perpetual Help Altas, 74-71, dahilan upang magkaroon ng pagkakabuhol sa third to fifth spot sa malapit ng magtapos na elimination round ng 88th season ng NCAA men’s basketball tournament.

Solo sa pangatlong puwesto ang Altas bago mag-umpisa ang laban nila na ginanap sa The Arena sa San Juan at ng manalo ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa College of Saint Benilde Blazers, 62-56 sa second game kahapon ay nagkagulo na sa team standings.

Tangan ng Altas, Heavy Bombers at host Letran Knights ang 9-6 win-loss slate at dahil malalakas na team ang defending champion San Beda College Red Lions at San Sebastian College Stags na nasa No. 1 at 2 spot ay isa sa kanilang tatlo na lang ang malalaglag papasok sa Final Four.

Nagpasabog si Michael Mabulac ng double-double performance na 16 points at 11 boards upang mapalakas ang tsansa ng JRU na makasampa sa semifinals.

Kinapos naman ng isang rebound Heavy Bomber cager si Jan Lopez na may 16 puntos at tatlong assists at dalawang steals para makumpleto rin ang double-double performance

Pinangunahan naman ni Jonathan Banal ang opensa ng Cardinals matapos tumipa ng career-high 21 points habang sumuporta si reigning rookie of the year, Josan Nimes ng double-double output na 13 markers at 10 rebounds.

May anim na panalo na ang Mapua sa 15 laro.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply