Agosto, may pinakamataas na kaso ng leptospirosis – DOH

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng pinakamataas na kaso ng sakit na leptospirosis sa buwan ng Agosto.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Tayag, umabot na sa 3,410 ang naitalang kaso ng leptospirosis noong nakalipas na buwan .

Naitala ang pinakamaraming kaso sa Metro Manila na may 938 nadale ng sakit.

Pumalo naman sa 1,418  ang mga naospital dahil sa pagbaha noong nanalasa ang Habagat at 96 dito ay binawian ng buhay .

Dahil dito, pinaalalahan ng DOH ang publiko na iwasang lumusong sa baha kung saan posibleng makuha ang leptospirosis na galing sa ihi at dumi ng daga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply