Aide ni Robredo balik-trabaho na

MAKABABALIK na sa kanyang trabaho bilang pulis ang dating security aide ni yumaong Interior Sec. Jesse Robredo na si Senior Inspector June Paolo Abrazado.

Ayon kay Dr. Ronald Santos, chief psychiatrist ng Philippine National Police General Hospital (PGH), pumasa na si Abrazado sa mga ikinasang medical test at wala silang nakikitang dahilan para pigilan pa ito na makabalik sa tungkulin.

Gayunman, pinapayuhan pa rin itong iwasan ang mga bagay na maaaring maka-stress sa kanya tulad ng panonood ng TV, pakikinig ng radyo at pagbabasa ng mga dyaryo.

Obligado naman si Abrazado na regular na bumisita sa kanyang doktor para makita ang kanyang kalagayan.

Samantala, kinumpirma ni Atty. Leni Robredo na tuloy ang kanilang komunikasyon ng dating security aide ng kanyang pumanaw na mister at natutuwa siya sa patuloy na pagbuti ng kalagayan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply