Akyat bahay na nangmolestiya, arestado

KULONG ang isang magnanakaw nang pasukin sa loob ng kuwarto ang isang ginang kung saan tinangka pang halayin ng una ang huli sa Caloocan City kagabi, Setyembre 23.

Nakilala ang suspek na si Michael Samson, 36, ng Baltazar st., ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, natutulog ang biktimang si Joana Fronda, 20, katabi ang anak na dalawang taon gulang sa loob ng kuwarto sa kanilang bahay sa Doña Rita st., ng lungsod nang pasukin at yakapin ng suspek.

Nagising ang biktima at nanlaban na naging dahilan upang tumakas ang suspek dala ang DVD ng biktima.

Nagsumbong sa mga barangay tanod ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek subalit wala na ang DVD.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply