Albularyong namatayan ng pasyente, kakasuhan

KAKASUHAN ng awtoridad ang isang albularyong namatayan ng kanyang pasyenteng sinapian ng masamang espiritu sa San Mateo, Isabela nitong nakaraang Sabado.

Sinabi ni Reggie Aquino, kapatid ng namatay na si Rogelio Aquino Jr.,19, residente ng San Fermin, Cauayan City, handa na ang kanilang pamilya na kasuhan ang albularyong si Cristobal Hernandez, na taga-Gaddanan, San Mateo.

Ayon kay Reggie, hindi nila akalain na papalpak ang ikinasang exorcism ni Hernandez sa kanilang mahal sa buhay.

Kaya nang lumabas ang resulta ng awtopsya sa biktima na namatay ito sanhi ng tinamong kapansanan sa ikinasang excorcism ni Hernandez at hindi sa isang karamdaman ay hindi na sila nagdalawang isip at sasampahan nila ng kasong homicide ang naturang quack doctor.

Matatandaaang dinala ng pamilya Aquino si Rogelio kay Hernandez na iminungkahi rin ng isa nilang bayaw dahil sinasabing magaling ito at kayang paalisin nito ang masamang espiritung sumasanib sa katawan ng biktima.

Kabilang sa ikinasang ritwal ni Hernandez ay sinuntok nito sa tiyan ang biktima, sinakal ng panyo at binuhusan pa ng mainit na tubig kaya hindi na kinaya ng katawan ni Rogelio na nagresulta sa kpagkamatay nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply