Alden Richard, magbubuyangyang sa Cosmo fashion show!

NAKATULONG pala kay Alden Richard ang pagkakasakit ng stomach flu dahil sa sakit na ito ay nakapagbawas agad siya ng timbang na 7 pounds in just one day.

Dapat ngang pumayat siya dahil sa kasama siya sa Kapuso stars na rarampa sa entablado para sa Cosmo fashion show.

Dahil sa pagrampa niya na ipakikita ang kanyang abs ay kailangan niyang mag-diet nang husto at regular gym. Di puedeng kumain ng maraming carbo. Kailangang hi-protein, fruits and vegestable ang diet.

Sa pagtatalop ni Alden, hanggang topless pa lang ang magagawa niya. Siya’y 20 years old palang naman sa nga- yon kaya wait pa tayo ng ilang panahon mga kalahi. Hahahahaha!

Bukod pa rito, ‘andyan pa rin ang matinee idol image niya na kinagat ng mga fans sa soap na One True Love nang buong ningning kaya nag-click ang nasabingsoap.

Dati’y experiment lang sa evening primetime ang love team nila ni Louise delos Reyes na unang tinangkilik sa afternoon soap na Alakdana.

Aba! ang original plan ng GMA 7 na eight weeks run ay naging 16 weeks run pa. Ibig sabihin ay sumobra pa ng tatlong linggo sa isang season na 13 weeks.

Marami kasing fans ang sumusulat sa network na sana’y mas mapanood pa nila nang matagal ang soap nina Alden at Louise.

Dahil sa success ng One True Love, balitang angat na angat ang ratings nito sa mga kalabang show sa timeslot.

Samantala, ang reigning Miss Olive C na si Rohama Riarte ay no.1 fan ngayon ng gwaping na aktor. Gabi-gabi ay hindi nakalalampas kay Rohama ang soap na One True Love. In fact, buhat nang mapanood niya ang crush niya ngayong aktor, naging pangarap na niyang maging unang boyfriend ay tulad nito.

Nasabi sa amin ni Rohama sa isang mini presscon ng Psamstre President Jaime Acosta sa Cubao recently na naka- attract nang husto sa kanya ay ang maliit na dimple sa mukha ng actor. Cute na cute siya sa face ni Alden na parang gusto niyang i-kiss. (May ganuned? Hakhakhak! – Ed)

Pati pag-uugali ni Alden bilang si Tisoy sa soap ay nagustuhan ni Rohama. Type niya ang lalaking may paninindigan, matalino at mabait sa kapwa. Parang ang cool na arrive ng young actor sa soap ang nagustuhan niya rito.

Inamin ni Rohama na hanggang paghanga lang lahat ito kay Alden. Siyempre, teen-ager pa lang siya, sweet sixteen kumbaga.

000

SA kauna-unahang pagkakataon at sa unang anibersaryo ng Pinoy Explorer, makakasama ni Aga ang kanyang buong pamilya sa page-explore sa Australia!

Family bonding ang naging trip ng Pamilya Muhlach at sama-sama silang magwe-whale watching. Aakyatin rin ng pamilya ang Blue Mountains gamit ang Skyway at cable car.

Papasukin nina Aga ang Jenolan Caves, ang sinasabing pinakamatandang kuweba sa buong mundo. Ang bibong kambal na sina Atasha at Andres ang magsisilbing tour guide sa loob ng kuweba. Mukhang meron nang papalit sa trono ni Aga bilang host ng programa.

Mapupuntahan rin nina Aga ang Chocolate Company kung saan magkatulong ang mag-inang Charlene at Atasha sa pag- gawa ng chocolate. Ang mag-amang Aga at Andres naman ang kakain ng mga chocolate na nagawa nila.

Finally, masusubok ang tibay ng pagmamahalan nina Aga at Charlene nang mag-rapel sila sa isa sa mga cliffs ng Blue Mountains. Makumbinsi kaya ni Aga ang kanyang asawa na mag-rapel mula sa isang mataas na bundok?

Dapat!

‘Yan abangan sa kapanapanabik na episode ng Pinoy Explorer.

Yayain na ang buong pamilya at saksihan ang masayang exploration nina Aga, Charlene, Atasha at Andres sa special two-part episode na ito ng Pinoy Explorer.

Mapapanood ang kanilang Australian adventure sa Linggo 6:30PM sa TV5.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply