Alessandra de Rossi tinanggihan si Dennis Trillo sa kissing scene

IN REAL life, mailap talaga itong si Alessandra de Rossi sa lalaking gusto siyang chorvahin.

Feeling kasi ni Alessandra, hindi magandang ibigay niya ang kanyang puri sa lalaking hindi naman niya asawa.

Noong sila pa nga ni Biboy Ramirez, hanggang necking, pitting at holding hands lang sila. Ewan lang kung anong nangyari sa episode ng actress kay Jeremy Marquez?

Well, ang paniniwalang ‘yun ni Alessandra ay hindi lang pala pang Off Cam. Dahil kahit na sa harap ng camera ay ayaw rin palang tumanggap ng mahusay na actress ng bed scene o kissing scene.

Like rito sa pagsasamahan sana nilang project ni Dennis Trillo na pinoy version ng hit na Koreanovela. Agad-agad ay tinanggihan niya ito nang malamang may torrid silang halikan ni Dennis.

Kung ganito ang drama ni Alessandra, aba’y kahit pa magaling siyang umarte ay hindi na siya makawawala pa sa pagiging character actress niyan.

Sa kanyang mga “tweet” hindi rin alam ng morenang aktres kung ano talaga ang gusto nitong mangyari sa kanyang buhay?

Girl, magtika ka na lang gyud!

***

Lakas ng dating ng love team nina Aga at Regine muling patutunayan sa Of All The Things

SABI, nag-dialog raw si Boss Vic del Rosario na hindi na siya mag-i-expect kung kikita pa ba o hindi ang latest movie nina Aga Muhlach at Regine Velasquez na Of All the Things.

Well, ayon pa sa ilang die-hard fans ng Aga-Regine love team na aming naka-chikahan just recently lang, ipu-prove raw nila na mali si Boss Vic dahil ngayon pa lang ay pinag-iipunan na ng mga tagahangang ito ang panonood nila sa nasabing film ng mga idol nila na showing na sa mga sinehan sa September 26.

Year 2001 pa ng huling magtambal sina Regine at Aga sa blockbuster movie nilang Pangako…Ikaw Lang na dinirek ng director rin nila sa bagong movie sa Viva Films na si Binibining Joyce Bernal.

At dahil sa sobrang nasasabik ang mga tagahanga ng dalawa na muling mapanood sila sa Of All the Things, ngayon pa lang ay sinasabi na naming tiba-tiba si Boss Vic sa project na kahit natagalan at 3 years in the making ay maganda ang kinalabasan ng pelikula.

Ayon pa nga kay Regine, hindi mo naman mahahalata sa movie na matagal na ito. Kasi bago sila nag-resume ng shooting ay 70% na ang natapos nilang gawin ni Aga at mga co-stars.

Saka pagbibida pa ng medyo slim ng Asia’s Songbird, hindi lang romantic movie ang Of All the Things kundi sobrang nakatatawa ang pelikula nilang ito ni Aga.

At sa kanilang mga eksena ay hindi sila nag-effort na magpakilig rito ni Aga pero ‘yun ang lumabas.

Kaya lahat kikiligin talaga sa mga scenes ng dalawa na parang naglalaro lang habang ginagawa ang nabanggit na film.

Ang maganda kasi kapag si Bb. Joyce ang director nila ay team effort talaga silang lahat. Idagdag mo pa ang magandang chemistry nila ng kanyang leading-man na si Aga kaya super hit talaga kapag pinalabas na sa sinehan.

Siyempre kakaiba rin ang mga characters na ginagampan ng dalawang bida. Si Regine, siya rito si Bernadette o Berns na isang madiskarteng “fixer” at kung papano sila nagtagpo ni Aga bilang si Emil “Umboy” Arellano sa movie na Law graduate ngunit dalawang beses na hindi pumasa sa bar exam at napunta rin sa pagiging fixer ay siyang gist ng story.

Panoorin nyo ang movie kung saan kasama rin sina Mark Bautista, John “Sweet” Lapus, Gina Pareno, Tommy Abuel, Pinky Marquez, Ariel Ureta, Nikki Bacolod, Raymond Lauchengco, Jojo Alejar at Jay Perillo. Mula rin sa GMA Films ang rom-com film na ito.

Exciting movie gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply