All out war sa illegal drugs inilatag sa Taguig

TAGUIG CITY– Muling pinatunayan ng lokal na pamahalaan na seryoso ito sa paglalansag sa illegal activities partikular na ang pagtutulak ng shabu, matapos mahuli sa akto ang isang drug pusher sa kahabaan ng ML Quezon Avenue, Corner Adia Street, Brgy. Bagumbayan sa pamamagitan ng ikinasang buy bust operation ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) noong Huwebes ng gabi.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A 9165 ang nahuling suspek na si Ferdinand O. Santos, alyas Ferdie, 40, nakatira sa 3 Adia St., Brgy. Bagumbayan, Taguig City, pagkaraang tanggapin nito ang marked money mula sa isang undercover cop na nagpanggap na buyer.

Sinabi nina arresting officers PO3 Marvin Zata at PO3 Joseph More na dakong 8:00 ng gabi ng ganap nilang maaresto ang suspek na positibo anilang nagtutulak ng hinihinalang prohibited granules.

Kinumpirma naman ni SPD Crime Laboratory Forensic Chemist PCInsp. Abraham Verde Tecson na ang mga nakumpiskang ebidensiya na 0.85 grams shabu mula kay Santos ay genuine methamphetamine hydrochloride o shabu.

Samantala, sinabi naman ni Taguig Chief-of-Police PSSupt. Tomas C. Apolinario Jr., na puspusan aniya ang ginagawang paglalansag ng kanilang operatiba laban sa ipinagbabawal na gamot.

“We elevate orderliness in Taguig, and those who would dare to bend the laws will indubitably face criminal charges.” Aniya pa.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply