ALPA naging tropical depression, ‘di tatama sa bansa

NAGING ganap na tropical depression kaninang tanghal ang isang active low pressure area (ALPA) na namataan sa karagatan ng Mindanao at pinangalanang “Karen.”

Gayunman, hindi ito tatama ng Pilipinas.

“Naging tropical depression na ito. May maximum winds na 55 kph malapit sa gitna,” pahayag ni PAGASA forecaster Ricky Fabregas.

Idinagdag din nito na ang tropical depression “Karen” ay huling namataan kumikilos sa layong hilaga-kanluran sa bilis na 7 kph at tinatayang nasa 700 km silangan ng Tandag sa Surigao del Sur.

Ayon kay GMA resident meteorologist Nathaniel “Mang Tani” Cruz, ang TD Karen ay inaasahan na patuloy na lalayo sa bansa at hindi tatama sa kalupaan pero magdudulot ito ng pagulan sa central at southern parts ng bansa.

Nilinaw naman ni Fabregas, na ang bansa ay nakararanas ng pagulan dulot ng inter-tropical convergence zone (ITCZ) pero hindi ito mula sa TD Karen na malayo pa para makaapekto sa bansa.

Idingdag pa nito na ang pagulan ay magiging ‘moderate to heavy’ sa Eastern Visayas at Caraga, at maaring magdulot ng flash floods at landslides.

Sa Metro Manila, inaasahan aniya na may pagkidlat at pagkulog sa hapon o gabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply