Ama binoga sa harap ng 2 anak sa Iriga City

PATAY ang isang ama  makaraang  barilin sa harap ng kanyang dalawang anak ng hindi nakilalang suspek habang kumakain sa loob ng kanilang tahanan sa Iriga City.

Nakilala ang biktima na si  Jerry Bilando, 31, ng Zone 5, Barangay Salvacion, Iriga City.

Nabatid na pinapakain lamang ng biktima ang kanyang dalawang anak sa loob ng kanilang bahay  nang biglang paputukan ng hindi nakilalang mga suspek.

Nagtamo ng dalawang tama sa katawan si Jerry mula sa kalibre .45 habang na-trauma naman ang dalawang bata na hindi bababa sa 10-anyos.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa nasabing krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply