Ama na nilalagare ang binti ng misis, kinatay

SINAKSAK ng isang dalagita ang kanyang sariling tatay nang kanyang maaktuhang pinuputol nito ang hita ng kanyang nanay sa Cebu province nitong Linggo ng gabi.

Natagpuan ang bangkay ng 38-anyos na hindi pinangalanan biktima ilang minuto ang nakararaan  makalipas na sasaksakin sa dibdib ng kanyang 11-anyos na dalagitang anak sa isang bakante at madamong lugar.

Isinuko naman sa Department of Social Welfare ang Development ang dalagita na hindi ibinunyag ang pangalan dahil sa isa itong menor de edad at anak pa ng mismong biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 11 nitong Linggo ng gabi sa loob ng bahay ng mag-ama sa Barangay Canbanua, Argao.

Ayon kay Police Inspector Alan Batobalunos, hepe ng Argao PNP,  bago ang insidente ay nag-away ang biktima at ang asawa nito sanhi ng selos.

“Masyado raw babaero itong napatay kaya nag-aaway lagi ang mag-asawa,“ pahayag ni Batobalunos.

Pero nang nilalagare na umano ng biktima ang binti ng kanyang misis, hindi na nakatiis ang naturang dalagita at sinasak ang kanyang tatay sa dibdib at saka lumabas ng bahay at humingi ng tulong sa kapitbahay.

Lingid dito, hinabol siya ng kanyang tatay pero bumagsak ito sa isang bakanteng lote sanhi ng isang malalim na saksak sa dibdib.

“Napatay nako si Papa ma? Mapriso ko (I killed papa, ma? Would I go to jail?” pahayag ng dagita sa kanyang ina.

Pero imbes umiyak, sinabi nito sa pulisya na paano na siya at ang kanyang Ate na 13 anyos at bunsong kapatid na 2 buwan pa lamang kung may nangyaring masama sa kanilang nanay.

Dinala naman agad sa Isidor Kintanar Memorial Hospital sa Argao pero pinalabas din kaninang umaga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply