Ama tepok sa kaaway ng anak

MISTULANG sinalo ng isang 58-anyos na tatay ang bala para sa kanyang anak matapos barilin ng suspek na kaaway ng kanyang anak sa Barangay Monica ng Iloilo City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, namatay habang ginagamot sa Iloilo Saint Paul’s Hospital ang biktimang si Jimmy Bais, residente ng Barangay Monica, city proper.

Agad namang tumakas ang salarin na kinilalang si Benjamin Espinosa matapoas ang ginawang pamamaril.

Ayon sa report, sumugod ang suspek sa bahay ng nasawi at hinanap nito si James Shaby anak ng biktima pero dahil wala ito doon ay ang biktima ang nagpagbalingan. Nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang mga ito na humantong sa pamamaril.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang isinugod naman sa ospital ang biktima pero hindi na ito naisalba pa

Ayon sa anak ng biktima, natutulog sila ng kanyang ama nang biglang pumasok ang suspek matapos tinadyakan ang kanilang pinto.

Hinahanap umano nito ang kanyang nakatatandang kapatid at nang hindi matagpuan, nagpaputok ito ng dalawang beses.

Ang unang putok ay tumama sa dingding ng bahay at ang ikalawang putok ay tumama na sa ulo ng biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply