Amb. Sonia Brady, balik Pinas mula China

NAKABALIK na sa bansa si Ambassador Sonia Brady mula sa China, na nagpapagaling dahil sa stroke.

Dumating sa bansa si Brady sakay ng Philippine Airlines flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi at agad naman siyang dinala sa St. Luke’s Hospital sa Taguig para sa medical examination.

Kasama ni Brady sa flight ang apat na embassy personnel at sila ay sinundo naman ng abulansya paglapag ng eroplano.

Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III ang career diplomat at dating Foreign Affairs undersecretary na si Brady bilang  ambassador ng Pilipinas sa People’s Republic of China.

Si Brady ang pumalit kay dating ambassador Domingo Lee na nabigong makalusot sa Commission on Appointments (CA).

Mayoon concurrent jurisdiction din si Brady sa Republic of Korea at sa Mongolia.

Bago pa man italaga, naging Ambassador to China na rin si Brady noong Abril 2006 hanggang Enero 2010, sa ilalim ng Administrasyong Arroyo.

Nagsilbi na rin si Brady bilang Ambassador to Myanmar noong 1995 hanggang 1999 at Ambassador to Thailand noong 2002 hanggang 2003.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply