Ambuklao, Binga dam nagpakawala ng tubig

MULING binuksan ang gates ng Ambuklao at Binga dams para makapagpalabas ng tubig kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tig-isang gate ng Ambuklao at Binga dam ang binuksan para makapagpalabas ng sobrang tubig.

Pasado ala-1:00 naman kaninang madaling araw nang isara ang gate ng Magat Dam.

Sa pinakahuling abiso ng PAGASA ang water level sa Ambuklao Dam ay nasa 751.78 meters at nasa 574.75 meters ang Binga Dam.

Kaugnay nito, inilagay naman sa yellow alert status ang La Mesa Dam matapos umabot sa 79.44 meters ang water level dito. Ayon sa PAGASA, 71 centimeters na lamang ang layo sa 80.15 meters na spilling level ng dam.

Kasunod na rin ito nang magdamag na pag-ulan sa Metro Manila dahil sa low pressure area (LPA).

Patuloy naman ang mahigpit na monitoring sa La Mesa Dam.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply