American Idol concert matagumpay: Jessica pinahanga ang Pinoy fans

BUKOD sa nakabibinging palalakpakan at hiyawan, umani ng standing ovation ang Filipino-Mexican-American singer na si Jessica Sanchez sa American Idol Live Tour sa Araneta Coliseum.

Sa tuwing lalabas sa entablo si Jessica para mag-perform ay dumadagundong ang buong coliseum dahil sa mga fans.

Kabilang sa mga inawit ni Sanchez ay ang ilang songs niya sa American Idol tulad ng “Proud Mary.” Nagka-duet din si Jessica kina Joshua Ledet atAmerican Idol winner Phillip Phillips.

Hindi rin magkamayaw sa pagtitili ang mga fans sa performance nina Colton Dixon, Joshua at Phillip.

Masigabong palakpakan at tili rin ang ibinigay ng audience kay Ledet nang awitin nito ang “This Is A Man’s World.”

Tili rin ang nangibabaw sa coliseum nang awitin ni Phillip ang “Superstition” at “Volcano.”

Balitang mananatili pa si Jessica sa Pinas para sa ilang project at upang sulitin ang bakasyon kasama ang kanyang pamilya.

Balik-USA naman ang mga kasamang Idol finalist.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply