American singer Andy Williams pumanaw na

PATAY na ang American legendary singer na si Andy Williams na kumanta at nagpasikat sa kantang “Moon River”.

Ayon kay Paul Shefrin, publicist ni Williams, namatay ang singer sa edad na 84-anyos sa kanyang bahay sa Brandon, Missouri dahil sa kanser sa pantog.

Kung maalala, umabot sa 18 gold at tatlong certified platinum ang mga album na nai-record nito noong ito’y nabubuhay pa.

Noong 1962, ipinalabas ang ‘The Andy Williams Show’, at nanalo ito ng tatlong Emmy awards.

Maituturing si Williams na pinakasikat na mang-aawit noong dekada ’60 at ’70 at binansagan pa ni dating US President Ronald Reagan bilang “national treasure”.

Inilarawan ni Williams ang “Moon River” bilang kanyang signature song.

“I never tried to sing like anybody else, fortunately I didn’t sound like anybody else. It just happened,” ani Williams. “I was very lucky that I had a voice that sounded different to almost anybody else’s and it’s recognisable.”

Inulila ni Andy ang asawang si Debbie at tatlong anak na sina Robert, Noelle at Christian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply