Amnesty sa radio registration ng NTC, dinumog

BUMUHOS ang mga civic action groups at mga radio amateur users sa registration amnesty program na idinaos ng National Telecommunication Commission sa RAD SHOW 2012 ,isang Radio Communications Disaster Preparedness Conference at Tradeshow sa SMX Convention Center sa lungsod ng Pasay.

Sinamantala ng mga grupong gumagamit ng mga handheld two-way radios, mga transport companies, mining, security agencies at power plants ang programa kung saan ang dating P1,500 na registration para sa mga portable radios ay ibinaba sa halagang P300 lamang.

Kabilang din sa nakinabang ay ang mga lokal na pamahalaan ,government owned company mga radio enthusiast at mga barangay kung saan wala ng re-examination at walang penalty na ipinataw sa mga paso ng rehistro ng mga radyo.

Pinarangalan din ng NTC sa pangunguna ni NTC Commissioner Gamaliel Cordova, MMDA Francis Tolentino, NDRMMC Director Benito Ramos at mga regional directors ng NTC ang ibat-ibang rescue at civic action groups na naging kabahagi ng pamahalaan sa mga panahon ng kalamidad tulad ng Rotary Club, Kabalikat Civicom, REACT , Pasay Volunteers, Fil-ChineseVolunteers at marami pang iba.

Nagdaos din ng seminar at examination ang NTC sa nasabing event para sa mga bagong radio groups bago sila mabigyan ng certification sa issuance ng lisensya sa kanilang mga radyo.

Ayon kay Cordova, naging matagumpay ang event at programa dahil naging mulat ang mga Pilipino sa kahandaan sa mga kalamidad at maiiwasan ang pagkawala ng maraming buhay dahil sa epektibong komunikasyon sa pamamagitan ng radyo.

Tinanong umano ang NTC Commissioner ng Pangulong Aquino kung ano ang mangyayari kapag bumigay ang lahat ng telekomunikasyon sa panahon ng malubhang kalamidad. Tumugon si Cordova na mananatiling buhay ang komunikasyon sa pamamagitan ng mga radyo na hawak ng mga rescue at civic groups, maging ang mga elemento ng pamahalaan na may hawak nito.

Inilatag din sa nasabing RADSHOW ang mga makabagong instrumento ng telecommunication at mga rescue equipment ng pribadong sektor sa pamumuno ng Cardphil president na si Lorenzo na sumuporta sa programa ng National Telecommunication Commission.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply