Anak na nanunog ng ama ‘di tinanggap sa mental

TINANGGIHAN ng Iloilo Mental Hospital sa Pototan, Iloilo ang suspek sa pagpaslang at pagsunog sa kanyang 86-anyos na ama sa Brgy. Managopaya, Banate, Iloilo.

Dahil dito, pansamantalang nakadetine ang suspek na si  Edwin Desamparado, 37,   sa selda ng Banate Municipal Police Station.

Nabatid na hindi tinanggap sa mental hospital ang suspek dahil ayon sa management wala na silang lugar para sa suspek.

Samantala, nang komprontahin ng pulisya kung bakit niyang nagawang sunugin ang kanyang ama ay dahil umano sa inagawan siya ng kasintahan.

Nabatid pa na dalawang beses nang ipinasok sa mental hospital ang suspek makaraang tagain nito ang sariling pamangkin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply