Andi Eigenmann di malimot si Albie Casiño

KUNG bakit naman kasi sa hinaba-haba ng panahon, di pa naka-move on itong si Andi Eigenmann.

Sa tuwing haharap siya sa press, ginagamit pa rin niya si Albie Casiño (Excuse me, Sar, ang press ang di maka-move on kina Andi at Albi. Wala na silang maisip itanong sa young actress kundi ang ex niyang young actor! – Ed) para siya magkaroon ng publisidad.

Kagaya nga nung isang linggo, kinalantari na naman ni Andi ang pangalan ni Albie gayung lagi niyang sinasabing matagal na siyang naka-move on sa kanilang naging relasyon.

Dapat kay Andi’y umisip na siya ng ibang anggulo para naman mai-promote niya ang kanyang sarili. Sa true, maraming ibang lalaki ang na-link sa kanya after Albie kaya manong sila naman ang subukan niyang gamitin para siya mapag-usapan, ‘wag yung taong nananahimik na.

She sounds bitter if not sour hanggang sa ngayon.

Kunsabagay, the mere fact na nagpabuntis siya kay Albie, puwedeng sabihing sobra talaga niyang inibig ito kaya hanggang ngayon di pa niya ito makalimutan.

Matatalim pa rin nga ang ilang pahayag ni Andi Eigenmann pagdating sa itinuturong ama ng kanyang anak na si Albie Casiño.

Kahit kontrolado na niya ang kanyang emosyon at nagagawa nang ngitian ang anumang tanong tungkol kay Albie sa presscon ng comeback movie niyang Pridyider matapos siyang makapanganak, ayun may natitira pa ring kaasiman sa kanya.

Sa tanong nga kung ipapapasok niya si Albie sa kumakain ng tao na refrigerator sa movie, ayaw raw niyang gawin ’yon dahil gusto niyang mapagdaanan ng young actor ang mga pinagdaanan rin niya sa buhay.

“Parang hindi ko po alam. Parang ’yun lang ang naisip kong isagot, hahaha! Kasi siyempre, tayo lahat… para fair, ’di ba? Binigyan tayo ng buhay hindi para magpakasarap lang. Para bigyan ng importansiya ’yung mga bles- sing at bagay na masasarap. Pero siyempre, kailangan matuto rin tayong humarap sa ating mga problema, sa ating pagkakamali. ’Yun lang po. Parang naisip ko na fair lang, wala lang! Hahaha!” paliwanag ni Andi.

“Okey lang po naman sa akin na sinasabi ng iba na bitter ako, ganon. Kasi, rati sa isang interview, sinabi ko na, ‘Diyos ko, hindi na talaga…’ Pero kung hindi na sila maniwala, okey lang. Kasi hindi naman po nila alam kung ano ang nararamdaman ko. Ako naman po ang nakaka-feel and I know for a fact na wala. Wala na po!” deklara ng young actress.

Wala rin siyang pakialam kung may bago nang girlfriend si Albie.

“I’m not happy, I’m not sad. I don’t care. That’s his life! My life has nothing to do with his now,” pagmamalaki niya.

Kumusta naman ang kanyang lovelife?

“Ang lovelife ko po? Kami pa rin ba ni Jake (Ejercito)? Hindi ko alam,” sey ni Andi.

Ano ang hindi niya alam?

“Siyempre po, marunong naman kaming rumespeto sa nakakatanda. Saka alam namin na… Teka lang po. Sa mas matatanda. Wise po sila. Mas alam po nila.

“Sinasabi nila lahat ang makakabuti para sa amin. So, para sa amin po, hindi naman po kami pinaghiwalay. Pero parang if we force things… ’Pag mahirap talaga ang sitwasyon, magpi-fail.

“That’s what we’ve been trying so hard not to do,” katwiran pa ng bida ng Pridyider.

****

Gov. ER Ejercito Best Actor na naman!

VINDICATED si Gov. ER Ejercito sa sinasabi noong hindi siya deserving sa Best Actor award niya sa mga nakaraang award giving bodies.

Timbog ang mga nagsa-sourgrape before dahil ngayon, ang pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ang itinanghal na Best Picture sa katatapos lang na 30th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP) na ginanap sa Quezon City Sports Club.

Nasungkit ng pelikula ang best actor trophy para kay Laguna Governor ER Ejercito at best supporting actor para kay John Regala.

Sa labing-dalawang kategorya, tatlong awards pa ang naiuwi ng Manila Kingpin, kasama ang best production design, best editing at best sound.

Apat na awards naman ang nakuha ng Thelma, including best director for Paul Soriano, best actress para kay Maja Salvador, best screenplay at best cinematography.

Ang bida ng Guni-Guni na si Lovi Poe ang pinarangalan bilang best actress para sa
Yesterday, Today, Tomorrow ni Jun Lana.

Ang No Other Woman ng Star Cinema at Viva Films ay nag-uwi naman ng isang technical award para kay Raul Mitra sa kategoryang musical score.

Nakalulungkot lang isipin na kulang sa ningning ang gabi ng parangal ng FAP. Ini-expect naming mapupuno ang venue ng naglalakihang artista dahil kinikilala ang Luna Awards bilang local counterpart ng Oscars sa Amerika.

But big stars were nowhere to be found.

Kung dati’y magarbo at nagpapatalbugan sa kasuotan ang mga miyembro ng bawat guild ng academy, kapansin-pansin ngayong taon na tila tinamad mag-effort ang mga ito. Maging ang entablado ay kulang sa palamuti at ilaw.

Naging venue naman ang FAP awards night ng mga baguhang singer. Nagsilbing hosts sina Rez Cortez at Katya Santos.

Ang ilan sa mga namataan namin sa venue ay sina Robert Arevalo, Cai Cortez, Leo Martinez, Direk Ruel Bayani, Amay Bisaya, Manny Morfe at iba pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply