Ang bagong special girl ni Richard Gutierrez!

SA pagtatapos ng primetime series ng GMA7 na Makapiling Kang Muli, marami ang nagtatanong kung mag-end na rin daw kaya ang nabuong closeness sa pagitan nina Richard Gutierrez at naging leading lady niya rito na si Sarah Lahbati?

Sa istorya ay karibal ni Sarah si Carla Abellana na siyang nakatuluyan ni Richard. Pero sa totoong buhay, mukhang si Sarah na gumaganap nga bilang si Graciela, ang nakabihag ng puso ng aktor.

Marami ang nakapapansin na sobrang malapit na sila sa isa’t isa na para bang nagkakamabutihan na nga raw.

“Uhm… tingnan natin!” nangiti ang aktor. “’Yon ay malalaman natin sa mga susunod na mga araw.”

Kumusta nga ba sila ni Sarah sa ngayon?

“We”re fine. Uhm… close kami ni Sarah ngayon. Pero siyempre, medyo umiiwas kami sa mga interviews kasi ayaw naman naming isipin ng mga tao na ginagawa namin ito (ang pagiging malapit sa isa’t isa) dahil sa Makapiling Kang Muli. So… abangan n’yo na lang.”

Parang magpapatuloy pa rin ang naging magandang pagtitinginang ibinunga ng pagsasama nila sa trabaho.

“Siyempre. Alam mo, ‘yong buong team ng Makapiling Kang Muli, talagang naging very close ako sa kanilang lahat. Marami sa kanila, nakatrabaho ko na before and I’m sure makatatrabaho ko pa rin ulit in the future.

“Pero ‘yong samahang nabuo while making Makapiling Kang Muli, talagang naging very close ako sa mga artista at sa aming director… kay Carla, kay Sarah, at sa mga staff rin. So… ‘yon! Mami-miss ko sila pagkatapos nito.

“Sa taping kasi, alam mo… mahabang oras ang samahan n’yo ro’n. Sinasabi ko nga, ‘yong hours na nakakasama ko ang lahat ng tao roon, parang kung bubuuuin mo, parang isang taon ‘yong pinagsamahan namin.

“Kasi nga, sa haba ng mga oras. So…  siyempre mami-miss ko ‘yong mga eksena. Mami-miss ko ‘yong process ng pag -gawa ng isang soap opera.

“Mami-miss ko rin ‘yong downtime na… wala lang. Kuwentuhan lang.

“After ng Makapiling kang Muli, ‘yong Pinoy Adventures, tuluy-tuloy pa rin.” Ang travel show niya sa GMA ang kanyang tinutukoy.

“At gagawa ako ng pelikula. Pero bago ko simulan ‘yong pelikula ko, magbabakasyon muna ako.
Mag-a-abroad ako at magpapahinga nang konti para pagbalik ko rito, re-energized ako para sa inyong lahat.

“Hindi pa ako puwedeng magsabi ng details tungkol sa bagong movie na gagawin ko pero it’s going to be a very exciting movie. Something na hindi ko pa nagagawa.

“And… ano siya, comeback movie ng isang legendary director. It’s a lovestory movie. Alam ko na kung sino ang magiging leading lady ko pero secret pa. Uhm… maraming firsts sa pelikulang ito kaya exciting na project talaga.”

Ngayong medyo hindi siya busy sa trabaho, may time ba siyang makipag-date?

“Siyempre!” nangiti ulit si Richard. “Ngayong natapos na ang taping ng Makapiling Kang Muli, mas marami na akong oras to relax and to unwind and to spend time with my family and friends.

“So… ngayon pa lang ako nagkakaroon ng time actually. Kasi no’ng nagti-taping ako ng Makapiling Kang Muli, talagang wala akong oras.”

So… he goes out dating girls lately?

“Hindi. Wala. Focus muna ako sa work.”

Ganyan?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply