Ang pagsisimula ng MVWD Metro Vigan Water District

ANG programa “HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO with Dr. Hilda C. Ong” ay nabigyan ng pagkakataon makapag-tape interview kina MVWD General Manager Ruby
Barba at Chairman Leonardo Osalvo.

Ang Metro Vigan Water District ay nag–umpisa noong 1914 at nakilala bilang Singson Waterworks and Sewerage System. Ang pamahalaang municipal ng Vigan, ang siyang namahala sa operasyon ng Wasterworks hanggang ang waterworks ay mabuo noong 1976.

Noong Oktubre 29, 1975, ang Sangguniang Bayan ng Vigan ay nagpasa ng resolusyon no. 31, upang mabuo ang Vigan Bantay Water District (VBWD). Sa pagpapalawak ng serbisyo sa mga munisipalidad ng Caoayan, San Vicente at Sta. Catalina, ito ay pinangalanang Vigan Metro Water District (VMWD). Kasunod ng kan-yang pagkakabuo, nakuha na VMWD, ang pagmamay–ari  pangangasiwa ng buong sis-tema, ito ay ayon sa P.D. No. 198 na kilala bilang Provincial Water Utilities Act of 1973. Sa kapangyarihan ng Reso-lution No. 31 ng Pamahalaang Munisipal ng Vigan, lahat ng pasilidad sa nawalang Singson Waterworks and Sewerage System ay ibinigay sa distrito.

Katulad ng iba pang Water District, ang VMWD ay itinayo para sa mithiing makakuha, makapaglagay, at mapaunlad ang pagpapatakbo ng water supply, kasama ang koleksyon ng tubig, pagpapabuti dito at ang tamang disposal ng pasilidad. Upang magawa ang mga nabanggit na dapat gawin, ang VMWD ay kumuha ng teknikal at pinansyal na tulong mula
sa Lokal na Water Utilities Administration (LWUA).

Ang Conditional Certificate of Conformance 0053 ay ini–award noong February 15, 1978, sa District. Ito ay matapos na makumpleto ang minimum requirements para sa Certificate program. Ang Certificate ay nagbibigay sa lahat ng karapatan at pagkakataon na otorisado sa ilalim ng P.D. 198.

Kaya mula noon, ang Vigan Metro Water District (VMWD) ay pinangalanang Metro Vigan Water District (MVWD) bilang Board Resolution No. 13.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply