Ang weather bureau ay parang taxi

TAWAGAN mo man itong PAGASA, ang katotohanan ay wala tayong nakikitang pag-asa
sa ating weather bureau.

Ang taxi, by any other name, ay taxi pa rin na kung kailangan mo ay laging wala at kung nandiyan naman ay hindi mo kailangan.

A rose is a rose by other name.

A chair is a chair even if there is no one sitting there.

Mabuti pa noong unang panahon.

Hindi na kailangan ang color coding para malaman kung masama ang panahon.

Ngayon, may thunder warning pa ang PagAsa.

Ang masama niyan, milyon-milyong pera ang budget ng Pag-Asa at humihingi pa ng dagdag.

Kasalanan di naman ito ng mamamayan.

Ang tatamad na nilang tumingin sa langit para mapansin kung may nabubuong masamang panahon.

Siguro ay wala nang makitang pag-asa ang mga tao sa langit, sa langit na lalong pinadidilim pa ng mga corrupt sa gobyerno.

Dati-rati, kung may darating na bagyo, sirena lamang ang kailangan.

Hindi sirena sa dagat, kundi siren, o hugong ang kailangan.

Simple lang ang buhay noon.

Hindi kailangang gumastos ang gobyerno sa mali-maling forecast, sa mga kababalaghan katulad ng color coding sa typhoon at thunder warnings.

Isang tunog lang ng sirena ay alam na nating typhoon signal number 1 na.

Dalawang tunog naman kung mas malakas ang bagyo.

At tatlo kung mas grabe ang bagyo.

Ngayon, umaasa na lamang tayo sa radio at TV na umaasa naman sa PagAsa na umaasa naman sa kapalaran.

Ang sabi ng PagAsa, may darating na bagyo.

Pag hindi nakarating, eh di suwerte tayo.

Wow naman, natural, at siyempre, hindi mo na kailangan ang mga weathermen o mga usec at asec at secretary mismo ng Department of Science and Technology (DOST) para malaman kung may bagyo o wala.

Pero ang bagyo ngayon ay iba-iba na ang pangalan o bansag.

Ang bagyo, dati, ay bagyo by any other name.

Ngayon, may LPA pa o low pressure area at may mga monsoon rain pa.

Dati ay siyam-siyam ang tawag pag ayaw tumigil ang malakas na ulan.

Ngayon, ang tawag ng PagAsa ay milagro.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply