Angel Locsin, Richard Gutierrez magbabalik-tambalan

MAY UMUUGONG na balita sa ilang online showbiz website na muling magsasama ang isa sa the hottest love team noon na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Ito ay sa isang pelikula umano sa ilalim ng Star Cinema at nakatakdang ipalabas sa February 2013. Kung true ito at kung matutuloy, ito ang magiging Valentine’s offering ng pinakasikat na movie outfit sa bansa.

Matatandaan na naging magkapareha sa mga programa sa telebisyon at pelikula sina Chard at Gel, noong nasa Kapuso Network pa ang huli.

Busy Angel

Busy naman ngayon si Angel sa pagsu-shoot ng pelikulang “One More Try” under Star Cinema. Ito ang entry ng naturang movie outfit sa 2012 Metro Manila Film Festival kung saan makakasama niya sina Dingdong Dantes, Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Nakatakda ring gumawa ng comedy-horror film si Angel kasama ang katambal niya sa “Toda Max” na si Vhong Navarro at isa pang movie na pagbibidahan nila nina Toni Gonzaga, Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

Bukod pa rito ang kumakalat na tsismax na si Angel ang magiging Narda/Darna sa gagawing umanong remake ng Lipad Darna Lipad.

May balita rin na magbabalik-teleserye si Angel na baka next year din umere.

Aba! Angel sige, kayod, kayod toda max!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply