Angelica Jones nanganak na

NANGANAK na ang dating aktres at ngayon ay Laguna Board Member na si Angelica Jones kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat, isinilang ni Angelica ang anak sa St. Luke’s Hospital ng isang lalaki at pinangalanan nitong Angelo Timothy Benedict.

Una nang inamin ng actress turned politician na sa gitna ng pagpaplano nila ng kasal ng ama ng kanyang anak ay iniwan siya nito.

Sinabi ni Angelica na pulitiko rin ang ama ng kanyang anak at isa pang doktor.

Hindi naman nabanggit ni Jones kung ano ang dahilan kung bakit naudlot ang relasyon nila ng ama ng kanyang anak.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply