Angelica, mamahaling kotse ang in-emote kina Derek at Lloydie

KAYA raw binilhan ng Mercedes Benz ni John Lloyd Cruz si Angelica Panganiban dahil ito umano ang in-emote ng dalaga. Maging sa unang karelasyon ng aktres na si Derek Ramsay ay Mini Cooper din daw ang hiningi nito at iba pang bagay na may kamahalan ang halaga.

Sa madaling sabi, bilmoko girl daw ang magaling na aktres. Iyon ang tawag sa kanya ng iba dahil sa mga kapritso raw nito sa kanyang mga nakakarelasyon. Ganun?

On the contrary, dinig namin si John Lloyd ang kusang nag-givesung ng tsekot na ‘yun kay Angelica, kagaya nang kung gaano siya ka-bigtime noon kay Ruffa Gutierrez na winisikan niya nang mamahaling mga alahas. Hahaha!

Teka nga pala, wala yata kaming nabalitaang nakatanggap nang biyaya mula sa leading man ng The Mistress ang dati nitong siyotang si Shaina Magdayao.

Samantala, kami naman ang magbibigay nang anggulo sa sinasabing regalong Mercedes ni John Lloyd kay Angie.

Tingin namin dyan, ayaw magpatalbog ng binatang Kapamilya actor sa Mini Cooper na gift noon sa girlfriend niya ngayon mula sa ex nitong si Kapatid actor na si Derek. Tama? Hahaha!

***

Coco at Paulo laging nagtutulungan at nagbibigayan

NILINAW kamakailan ng multi-awarded actor na si Coco Martin na taliwas sa mga karakter nila sa top-rating

Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Walang Hanggan,” malayo sa pagiging magkaribal ang turingan nila ng co-actor niya na si Paulo Avelino sa tunay na buhay.

“Wala namang kompetisyon sa pagitan namin ni Paulo,” ani Coco. “Basta para sa amin, masaya kami dahil nagagampanan namin nang tama ang mga karakter namin at nagugustuhan ng mga manunuod ang takbo ng aming kwento.”

Sa katunayan, ayon kay Coco, madalas silang nagtutulungan ni Paulo sa set ng “Walang Hanggan.”

Aniya, “Tuwing taping, lagi kami nagbibigayan ng payo ni Paulo kung paano namin gagawing mas maganda ang mga eksena namin.”

Samantala, sa kabila ng magandang samahan nina Coco at Paulo, patuloy namang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng kanilang mga karakter sa “Walang Hanggan” ngayong handa na si Nathan (Paulo) na isakatuparan ang kasunduan nila ni Katerina (Julia Montes). Mapipigilan pa ba ni Daniel (Coco) ang muling pagpapakasal nina Nathan at Katerina? Paano niya ipaglalaban ang kanyang pag-ibig kay Katerina ngayong nagdesisyon na itong lumayo sa kanya?

Ano ang gagawin ni Nathan kapag nalaman niya na nagdadalang-tao ang kanyang asawa?

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.co m at maari rin kaming mapakinggan sa Star na S tar sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.    

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply