Angelica pumuslit sa terminal para makasabay kay John Lloyd

PARANG may sa pusa raw na biglang pumuslit sa likurang bahagi ng NAIA Terminal 1 si Angelica Panganiban upang hindi makita ng media.

Bagama’t magkasabay talaga sila ni John Lloyd Cruz na dumating sa airport ngunit dahil nakakita nga ng mga reporter ang dalaga kaya minabuti na lamang nitong umiskapo. Although, talaga namang kasama si Angelica sa entourage para sa Star Magic talent tour o Kapamilya Caravan na gagawin sa Nice, France. Ayaw lamang ng magaling na aktres na makigulo sa tambalang John Lloyd at Bea Alonzo na kasalukuyang pinipilahan sa mga sinehan ang pelikula nilang The Mistress. Ipalalabas din sa naturang bansa ang nasabing movie.

***

Magkapatid na Megan at Lauren Young nakatira sa magkahiwalay na condo

SINO ang mag-aakala na sa edad na 22 at 18 taon, nakapagpundar na ang magkapatid na Megan at Lauren Young ng sarili nilang tahanan? Tig-isang condo unit at magkapitbahay pa sa isang magarbong condominium sa Maynila ang dalawa.

Ani Lauren na mas bata sa dalawa, hindi niya inaasahan na sa kanyang edad ay siya na ang bumubuhay sa sarili, “Minsan naisip ko, teenager pa lang ako, dapat nagpapakasaya ako sa mga party, gumigimik kasama ang barkada at pa-relax-relax lang, pero nagtatrabaho na ako para magbayad ng bills at tuition fees ko,” sabi ni Lauren.

Pero hindi raw ibig sabihin noon ay nawawalan na ang magkapatid ng panahon na makasama ang pamilya o pumasyal kasama ang mga kaibigan.

“Sa tingin ko nasa time management lang ‘yan eh,” ayon naman kay Megan. “Kahit na medyo mas busy kami dahil sa trabaho kumpara sa mga kaedad namin, masaya kami na independent kami at nakakapagpundar na,” dagdag pa ng dalaga.

Upang makilala pa ng husto sina Megan at Lauren, bumili ng Chalk magazine sa kanilang September issue.

***

Sikreto ng mga sikat na magkakapatid, ibubulgar

LIFE stories nina KC at Garrie Concepcion; Phil at James Younghusband; at Lotlot at Matet de Leon ang tampok bukas, Sabado (Setyembre 15) sa No.1 showbiz-oriented talkshow sa bansa tuwing Sabado na “Showbiz Inside Report.”

Paano pinagtagpo ng tadhana ang mga anak ni Gabby Concepcion na sina KC at Garrie?

Sino ang naging karamay ng football superstars na sina Phil at James matapos maulila sa kanilang ina?

Naging balakid ba sa katatagan ng pagsasama ng magkapatid na Lotlot at Matet ang pagiging ampon nila?

Huwag palampasin ang magkakaibang kuwentong buhay ng ilan sa pinakasikat na magkakapatid sa bansa sa top-rating at trending Saturday entertainment talkshow sa bansa, “Showbiz Inside Report,” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply