Anggulong ‘kidnap me’ sa tinangay na beybi sa QC tinututukan

AMINADO si Quezon City Police Director Chief Supt. Mario Dela Vega na isa sa anggulong tinitignan nila sa ngayon ay posibleng hindi talaga tinangay ang sanggol sa loob ng Sta. Teresita General Hospital sa Quezon City.

Ayon kay Gen. Dela Vega, kabilang sa mga tinitignan nilang anggulo ay ang posibleng walang pambayad sa pagamutan ang ina ng sanggol na si Ces Delos Santos kung kaya’t gumawa ng paraan para makalusot sa responsibilidad.

Base sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng QCPD, umaabot sa P73,000 ang kabuuang halaga ng hospital billing ng mag-asawa at P10,000 lang ang ibinayad nito at hindi pumirma sa promissory note.

Posible aniyang isang paraan lang daw yun ng mag-asawa upang makaiwas sa pagbabayad.

Dagdag pa ni Dela Vega, sa ngayon ay hindi pa rin naghahain ng reklamo ang mag-asawang Delos Santos sa Women’s and Children’s Protection Desk ng QCPD.

Una nang naiulat na tinangay ng isang nagpapanggap na doktor ang anak ni Delos Santos para umano sa isang new born screening noong Setyembre 4.

Ngunit giit naman ni Delos Santos, na talagang dinukot umano ang kanyang anak at hindi nila  tatakasan ang mga bayarin sa ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply